0
Close Menu
  • My Account Mi Cuenta Mon compte Minha conta 我的账户
  • Tumutulong sa mga bata na kayanin ang stress sa panahon ng pagkalat ng COVID-19

    Helping children cope with stress during the COVID-19 outbreak translated into Tagalog


     

    Ang mga bata ay maaaring tumugon sa stress sa iba’tibang paraan gaya ng pagiging mas malambing, balisa, mapag-isa, galit o aburido, pag-ihi sa kama, atbp.

    Tumugon sa mga reaksyon ng iyong anak sa isang nakakatulong na paraan, makinig sa kanilang mga alalahanin at bigyan sila ng dagdag na pagmamahal at atensyon.

     

    Kailangan ng mga bata ang pagmamahal at atensyon ng matatanda sa mga mahihirap na panahon. Bigyan sila ng dagdag na oras at atensyon

    Alalahaning makinig sa iyong mga anak, magsalita nang mahinahon at muli silang bigyan ng tiwala.

    Hangga’t maaari, gumawa ng mga oportunidad upang makapaglaro at makapag-relaks ang bata.

     

    Subukang mapanatiling malapit ang mga bata sa kanilang mga magulang at pamilya at iwasang paghiwalayin ang mga bata at ang kanilang mga tagapangalaga hangga’t maaari. Kung ang paghihiwalay ay mangyari (hal. na-ospital) siguruhin ang regular na pakikipag-ugnayan (hal. sa telepono) at muling magbigay ng pagtitiwala.

     

    Ipagpatuloy ang regular na mga gawain at iskedyul hangga’t maaari, o tumulong na gumawa ng mga bago sa isang bagong kapaligiran, kabilang ang paaralan/ pag-aaral pati na rin ang oras para sa ligtas at nakakarelaks na paglalaro.

     

    Magbigay ng mga katotohanan tungkol sa nangyari, ipaliwanag kung ano ang nangyayari ngayon at bigyan sila ng malinaw na impormasyon tungkol sa kung paano mababawasan ang kanilang panganib na mahawahan ng sakit sa mga salitang maaari nilang maunawaan ayon sa kanilang edad.

    Kasama rin dito ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kung ano ang maaaring mangyari sa isang nakapagbibigay ng tiwala na paraan (hal. ang isang miyembro ng pamilya at/o ang bata ay maaaring magsimulang sumama ang pakiramdam at maaaring kailanganing pumunta sa ospital ng kaunting panahon upang matulungan sila ng mga doktor na bumuti ang pakiramdam).

     

    Download PDF